November 24, 2024

PAETE, LAGUNA SPORTS ACADEMY, ITATATAG NI COACH TAM

Espesyal na panauhin sa idinaos na Coach Johny Tam 3×3 Basketball Championship at Women’s volleyball league Awards Night si Atty. (Cong.) Tony Carolino, Bokal Kenneth Ragasa), Kap Peping Capco atbp na ginanap sa Tam’s Place, Paete kamakalawa.

BILANG isang taal na public servant/sportsman, isa sa marubdob na pangarap ng Coach Johny Tam ang magkaroon ng sports hub para sa kabataang atleta sa kanyang balwarte sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna.

Si Coach Tam na halos buong buhay niya ay natuon sa sports na nagsimula ng paglalaro ng basketball noong kanyang elementary days hanggang sekundarya at kolehiyo, tampok ang pagiging national coach kung saan siya lalong nakilala sa sports community.

Tampok sa kanyang pagiging coach ng Laguna Lakers sa MBA , Air21 sa PBA at national coach ng Philippines na sumabak sa Jones Cup sa Taipeh at China League noong millennium year.

Noong panahon ng pandemya, sa halip na matengga ay naging aktibo pa siya sa pag-develop sa kanilang farm highland sa Sitio Alutay  Barangay 5 sa Paete.

“Sa panahong iyon ay nabuo ang pangarap ko na itatag ang Sports Academy sa aking bayan para sa mahal kong kabataang atleta ng huhubog ng kanilang talento sa basketball, volleyball, baseball, chess at iba pa but all-in-one at pwede pang magdaos ng akademyang pang-palakasan at sports clinic na ituturo ng mga ekspertong trainers at academician. That dream will soon become a reality nasa poder man tayo o sa pribadong kapasidad,” wika ni Tam sa panayam sa ginanap na awarding ceremony sa matagumpay na pagdaraos  basketball 3×3 at volleyball sa naturang bayang tanyag bilang ‘carving capital’ ng Plipinas.

Espesyal na panauhin si dating alkalde ng Sta. Maria (Cong.) Atty.Tony  Carolino, Vice Kenneth Ragaza (Bokal), Tam’s team Kap. Peping Capco, MJ Cadayona, Elvira Guivercan, Jessie delos Santos, Joko Santiago at Robert Agbay.

Ang kaganapan para kabataang Paetenians ay suportado ni David Ong ng Philippine Airlines. (DANNY SIMON)