Nagpakitang – gilas si Mary Francine Padios tulad ng kanyang winning act noong Southeast Asian Games.
Dinomina niya ang 8th Women’s Martial Arts (WMA) Festival pencak silat kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang 19-anyos SEA Games champion ay pinagyreynahan ang Seni Tunggal singles category matapos umiskor ng 9.587 points upang saklitin ang unang gold medal ng palarong inorganisa ng Philippine Sports Commission.
Naipanalo ni Padios ang ginto matapos ang 3 attempts upang dominahin ang kanyang pet event.
Si Padios ay nakasunglit ng bronze medal sa Pencak Silat World Championships sa Malacca, Malaysia kamakailan.
Ang anim na araw na kaganapan para sa women martial arts athletes ay suportado ng Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines Inc.
“Hindi po sana ako maglalaro ngayon pero napanaginipan ko po ang papa ko at parang pinapaalalahan po ako sa responsibilidad ko ngayon, hindi lang sa bansa dahil ako na din ngayon ang tumatayong padre de pamilya,’’ sambit ng naluluhang si Padios, gold medalist noong nakaraang 31st SEAGames Vietnam.
Ang pambato ng Phil. Speed Warriors-Aklan, na si Cherry Mae Regalado- bronze medalist noong 2018 Asian Games, ay nakuntento sa silver sa kanyang 9.246 points habang bronze naman ang napagwagian ni Lorraine Verde ng Isat U KBD sa kanyang 8.897 points.
Samantala, ang anak naman ng dating national athlete at SEAGames gold medalist ay nangibabaw sa kanyang forte na kata event.
Si Samantha Emmanuelle Veguillas,anak ni 1993 SEAG kata gold medalist Chino Veguillas ay nasungkit ang gold medal sa women’s individual matapos daigin si Joan Denise Lumbao ng Association of Advancement of Karate sa finals.
Naungusan ni Veguillas,19 anyos, si Lumbao,16-anyos, sa score na 23.20-22-18.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI