IPINAG-UTOS ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang malawak na imbestigasyon sa nangyaring construction site accident sa Quezon City Hall Compound ng ikinasawi ng isang obrero at tatlong iba pa kagabi.
Nagsasagawa ng demolisyon ang mga construction workers sa Civic Center B Building nang maganap ang insidente.
Isinugod ang apat, na trabahador ng MRB II Construction Corporation, sa East Avenue Medical Center subalit binawian ng buhay ang isa.
“Inatasan na natin si City Engineer Atty. Dale Perral na pangunahan ang imbestigasyon sa insidente at tingnan kung may dapat managot sa insidente,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
”Isa sa mga unang aalamin ang sistemang pinaiiral ng kontratista sa construction site, at kung binigyang-halaga ba ang aspeto ng occupational safety para sa kanilang manggagawa,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Quezon City Engineer Atty. Dale Perral na hindi makaapekto sa structural integrity ng buong gusali ang pagbagsak ng architectural wall.
“Rest assured that the Civic Center B is still structurally sound and safe for use. Just the same, we will ensure that the construction site, especially the ground floor, will be cordoned off and safe for passersby and city hall employees,” pahayag ni Perral.
Tutukan aniya ng imbestigasyon ang compliance sa occupational, safety at health standards ng contractor.
Tuloy pa rin naman aniya ang konstruksyon matapos matiyak na ligtas ang lahat ng mga manggagawa. “Magpapaabot tayo ng tulong sa pamilya ng nasawi at karampatang atensyong medikal sa mga nasaktang manggagawa,” pahayag ni Belmonte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA