November 23, 2024

PACQUIAO ‘OLATS’ PA RIN SA REMATCH

GUSTONG rumesbak ang kampo ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao kontra sa tumalo sa kanyang kampeon na si  Yordenis Ugas isang linggo na ang nakaraan sa Las Vegas.

Hirit ng kanyang longtime trainer at buddy Buboy F sa post match interview ng foreign press na kayang manalo at makabuwelta ni Pacman kung maglalaban uli sila ng waes sa ring na Cuban na kanya na raw lubos na paghahandaan.

Marami na palang nadale si Ugas na mga champion calibers na ding boxers sa welter na ‘di kinaya ang estilo ng dating Olympian medalist na dyab-dyab sabay sikwat ng kaliwa sa bodega at right hook na rumerehistro lahat na puntos sa compu box ang mga di naman pamatay pero delikadong bigwas ni Ugas.

No match pa rin sa rematch si Pacman sa kontrapelong kalaban kaya ‘di na dapat pang i-promote ang ‘di na bebentang laban.

Huwag nang dungisan pa uli ng kahihiyan ang boxing legend ng bayan para lang sa hirit pang akala ay pwede pang pagkakwartahan.

Tapos na si Pacman sa boxing. Politics naman… huwag lang sa Malacañang. Sa Senado, kaya mag-namber wan?..

ABANGAN!!

***

ECQ AYUDA NASAAN KA NA?

BAGO ikasa ang ECQ sa NCR nitong kaagahan ng buwan na nangahulugan ng panibagong lockdown kaya wala uling  galawan sa lunan ang mga naapektuhan sa atas ng kinauukulan.

Rekomendasyon din ito ng mga LGU sa Kamaynilaan kaya ‘matic na naman ang ayuda sa mga nasakop ng  bubble ng ECQ.

Ang siste, natapos ang lockdown pero mas marami pang tunay na nangangailangan ang ‘di nakatatanggap kesa naayudahan ng tulong pinansyal sa ating apektadong kababayan.

Ipinagkatiwala muli kasi ni PRRD sa mga LGU at DSWD.

As usual, usad pagong na naman at sistematiko ang pagkawala ng mga pangalan sa listahan at mistulang  intensiyonal  ang bagal para mainis-talo uli ang mga tao sa paghihintay hanggang magkalimutan na at pati ang Pangulong nag-utos ay ‘di na maalala ang pangakong ayuda na tiyak sa ibang bulsa nasuksok kaya sabi nga ni Ayong Ayuda, eh baka sa election  na lang magagamit at  mapupunta ang grasya sa balota. DISGRASYA!

‘Di na natuto sa mga pinagkakatiwalaan… Hala ayuda pa more at KUPIT PA MORE sa katas ng pandemya. ‘Di na sila nangilabot… QUE HORROR!