
MAINIT ang naging pagtanggap ng Philippine Army (PA) kay Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang bagong miyembro ng kanilang Multi-Sector Advisory Board (MSAB).
Sa pamamagitan ng video teleconference, pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay ang oath taking at pinning ceremony.
Naniniwala si Gapay na ang karanasan ni Senator Pacquiao sa good governance ay makakatulong para magpatuloy ang Army Transformation Roadmap at mapa-angat pa ang volunteerism at shared responsibility sa hanay ng Philippine Army.
Sa ngayon, sinusuportahan din ng senador ang ginagawa ng mga sundalo na physical fitness. Natutuwa naman si Gapay dahil mayroon world class partner ang Philippine Army sa pagsulong ng good governance.
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante