Pinasinungalingan ni UFC president Dana White ang balitang kasado na ang laban sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Conor McGregor.
Giit pa ni White, wala aniyang plano ang former UFC featherweight at lightweight champion na lumaban ngayong taon.
Gayunman, iginiit din ni White na malamang umupak ang Irish MMA fighter sa 2021. Pero, wala pang nailatag na plano tungkol dito.
Bagama’t retirado na si McGregor, naniniwala si White na hindi pa talaga permanenteng retirado. Babalik aniya ito sa laban kapag naisipan uling umupak.
Nag-ugat ang sitsit ng Pacquiao-McGregor bout sapol nang natiin ng una ang huli noong birthday nito. Nagparamdam si McGregor sa pasaheng 170.
Ibig sabihin sa gayung timbang sila maglaban. Nagparamdam din si Pacman at sinagot na naman ni McGregor sa Twitter account ng: ‘tinatanggap ko.’
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!