November 5, 2024

Pacquiao: May Korapsyon sa Pamamahagi ng Ayuda (Senador Inaming Nawawala ang P10.4B Pondo)

BILANG tugon sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ibinunyag ni Sen. Manny Pacquiao na mayroong korapsyon sa pamamahagi ng COVID-19 cash aid o ayuda sa pamamagitan ng mobile wallets.

Ayon kay Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo na nakalaan para sa social amelioration program ng pamahalaan.

Ayon kay Pacquiao, nasa 1.3 milyon mula sa inaasahang 1.8 milyong benepisyaryo ng  SAP ang hindi umano nakakuha ng tulong ngayong may pandemya.

Kinuwestyon din ni Pacquiao ang paggamit ng e-wallet na Star Pay sa programa ng SAP.

Bakit sa 1.8 million na binigyan ng SAP mula sa Starpay ay 500,000 lamang po katao ang nakadownload nito?… Ang tanong ko po, anong nangyari sa 1.3 million katao na hindi nakadownload ng Starpay app ngunit sa record po nakatanggap na sila ng ayuda?,” aniya.

“Saan po napunta ang limpak-limpak na ayuda?”
 dagdag pa nito.