Hindi kakasa si Sen. Manny Pacquiao (62-7-2, 39KO’s) kay Terrence Crawford (37-0, 28KO’s) ayon sa MP Promotions chief Sean Gibbons.
Aniya, suntok ito sa buwan at kalokohan lang. Iba aniya ang lalabanan ng WBO welterweight champion. Pero, tinitiyak niya na hindi iyon si Pacquiao.
Napaulat kasi na pinaplantsa ang laban ng dalawa. Na ito ay idaraos sa June 5 sa Abu Dhabi.Gayunman, hindi kinumpirma ni Top Rank chairman Bob Arum ang sinasabing mega-fight.
Kahit sila sa MP Promotions ay nagulat na may lumabas na ganoong balita. Ayon kay Gibbons, non sense ang mga ganun para mapag-usapan lang.
“[This is] Bob Arum and Mike Koncz nonsense,” ani Gibbons kaugnay sa ulat na Pacquiao-Crawford bout sa June 5.
“I do not believe that is happening.”
Iyon aniya ang pinalalabas ng kampo na kakasahan ni Crawford si Pacman. {ero, pag di natuloy, sasabihing takot ang Pinoy boxing icon.
Samantala, ihahayag naman ng Top Rank ngayong linggo ang next opponent ni Crawford.Kung sino ito, malamang na si Shawn Porter.
Si Porter ang mandatory challenger ni Crawford sa title. Kung di naman, si Yodernis Uga ang hula ng iba.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY