
LAS VEGAS, Nevada — Kahit 45 anyos na, determinado si Manny “Pacman” Pacquiao na patunayan na hindi hadlang ang edad sa pagbabalik niya sa lona, sa laban kontra WBC welterweight champion Mario Barrios, na 29 anyos pa lamang.
Sa ginanap na press conference para sa kanilang laban ngayong Hulyo 19 sa MGM Grand Garden Arena, ngumiti lang si Pacquiao nang tanungin ukol sa 16-taong agwat nila ng edad ni Barrios.
“Don’t worry about it,” ani Pacquiao. “I’ve been here before. I know what to do.”
Nagpalitan ng banat ang dalawang boksingero sa entablado, pero nanatiling magalang si Barrios sa kanyang mga pahayag, kinilala ang malawak na karera at legacy ng pambansang kamao.
“I know what Manny Pacquiao has done for this sport, but I’m here to defend my title,” wika ni Barrios.
Apat na taon na ang lumipas mula nang huli siyang lumaban, pero hindi nagpakita ng kaba si Pacquiao. Bagkus, pinatunayan niyang dala pa rin niya ang gutom sa tagumpay.
“I’m here to show everyone that I still have what it takes,” giit ng boxing legend. “I’m excited for this challenge.”
Ang laban ay mapapanood sa pamamagitan ng Amazon Prime pay-per-view, kung saan inaasahang magbabalik ang sigla ng fans na sabik masilayan muli ang Kidlat ng Pambansang Kamao.
Laban na ito ng karanasan kontra kabataan. At kung si Pacquiao ang tatanungin — handa siyang gumawa muli ng kasaysayan. (RON TOLENTINO)
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust