December 24, 2024

PACQUIAO, BALIK SA BOKSING, DEPENDE SA RESULTA NG 2022 NAT’L ELECTIONS

May posibilidad na bumalik sa lona si Sen. Manny Pacquiao anuman ang resulta ng 2022 national elections. Ito ang inihayag ng isang source mula sa kampo ng ‘ Fighting Senator’.

Kung matatalo raw halimbawa si Pacquiao sa presidential, maaari itong bumalik sa boksing.


Aniya, nananalaytay pa rin sa ugat ni Pacman ang pagiging boxer. Kaya, maaari pa itong umupak uli sa ring.


” Pag boksingero ka, talagang nasa ugat mo na yun. Yan si Sen. Manny. Kahit nagretire na siya, pwede pa ulit bumalik,” sabi nito.


” Bahagi ng boxer’s life ang retirement. Pero, pag ginanahan uli, pwedeng umupak. Like Mayweather, retired na, bumalik pa. isama pa si Hopkins at De La Hoya.”


Idinagdag pa nito na pwede pang tapusin ang unfinished business ni Pacman kay Errol Spence. Gayundin ang possibility na makalaban sina Terrence Crawford, McGregor at ang rematch kay Yordenis Ugas.