Lumantad ang isang private doctor upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak kay Presidential Anti Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica dahil sa kawalan ng aksiyon sa mga reklamo na kanyang inihain laban sa mag asawang sina Lamitan Mayor Rose Furigay at Vice Mayor Roderick Furigay.
Sa ginanap na press conference, isinawalat ni Dr. Chao Tiao Yumol ang kawalang-aksiyon ni Belgica sa mga anomalya ng mag asawang Furigay.
Kabilang dito ay pagbili ng generator na hindi naman nagamit sa pagsusuplay ng kuryente, pagkakasangkot umano sa illegal drugs na nasa top 10 ang mga ito sa buong BARMM at top 3 sa Basilan, pagstandby ng ambulansiya sa private resort ng mga Furigay at ang pagsunog sa munisipyo ng Lamitan noong 2008
Pinatunayan naman ito ng isa sa mga inutusan ni Furigay na si Bronson Amil na nasugatan ng pagbabarilin ng mga tauhan ng Furigay.
Ayon kay Yumol ang lahat ng reklamo at ebidensiya nila laban sa mag asawang Furigay ay nabalewala nang sabihin ni Belgica na wala umanong hurisdiksiyon ang PACC dito dahil elected officials ang inirereklamo.
Subalit ayon pa kay Yumol kinasuhan ni Belgica si Camarines Sur Rep. Rodolfo Andaya ng graft and corruption sa Ombudsman na isang elected official.
Pinaiimbestigahan din ni Yumol si Lt.Col. Crisle Cainog ng PNP Drugs Enforcement Group na nag isyu ng certification na ‘cleared’ na umano ang mag asawang Furigay sa kasong illegal drugs. Tanging ang PDEA lamang ang maaaring mag issue nito.
Binigyan diin ni Yumol na selective si Belgica sa kanyang mga kakasuhan. Nagiging ‘modus’ na rin umano ni Belgica na hingin ang kanilang mga hawak na ebidensiya at kausapin ang mga inirereklamo para sa ‘private settlement’.
Nilinaw ni Yumol na wala siyang anumang interes sa pulitika at nais lamang niyang tulungan ang gobyerno ni Duterte.
Nananawagan ang doktor kay Pangulong Duterte na proteksiyunan at ingatan ng Pangulo ang mga saksi sa war on drugs.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna