
DINALA nina Ate Nancy Binay at Monsour del Rosario ang kanilang Pabingo caravan sa Brgy. Singkamas sa Makati City.
Personal na pinuri nina Nancy at Monsour ang naturang event na naghatid ng saya at kaligayahan sa mga residente.
“Napuno ng tawanan, sigawan, at masiglang pakikiisa ang ating PABINGO kasama ang mga residente ng Brgy. Singkamas,” ayon kay Binay.
“Congratulations sa lahat ng masuwerteng nanalo sa ating bingo patterns – sana ay nagdala ito ng kasiyahan at kaunting ginhawa sa inyong mga tahanan,” saad naman ni Del Rosario.
“Muli, maraming salamat Brgy. Singkamas! Ang tagumpay ng ating mga programa ay dahil sa inyong walang sawang suporta at pagtutulungan,” dagdag pa niya.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!