Pormal nang naghain ng certificate of candidacy sina Senator Manny Pacquiao para sa kanyang pagtakbo bilang pangulo at ang kanyang vice president na si BUHAY Party-list Representative Lito Atienza.
Makakalaban ng “Pa-Lito” tandem ang “Pi-Sot” (Senator Ping Lacson-Senate President Tito Sotto) at “Ko-Ong” (Manila Mayor Isko Moreno-Doc Willie Ong) teams sa darating na 2022 elections.
Kasama ni Pacquiao sa paghahain ng kanyang COC bandang alas-8:30 ng umaga ang kanyang maybahay na si Jinkee, pati rin si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel.
Bago nagtungo sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound, nagsagawa muna ng motorcade ang tinaguriang Pambansang Kamao sa ilang bahagi ng Lungsod ng Maynila.
Kung matatandaan, magkaiba ng pananaw sina Pacquiao at Atienza pagdating sa usapin sa death penalty.
Tutol si Atienza sa parusang kamatayan habang pabor naman si Pacquiao rito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA