January 22, 2025

P9-M ECSTACY NA ITINAGO SA ‘PAPER SHERRDER’ NASABAT

Umaabot sa mahigit  P9 na milyong pisong halaga ng iligal na party drug ng Ecstacy tablets na siyang itinago sa ‘paper shredders’ Ito ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang ginawang pagsalakay sa isang  bodega sa lungsod ng Pasay City.

Sa ating nakuhang ulat Mula sa tanggapan ng BOC, ay nasa 5,205 tabletas ng Ecstacy ang kanilang narekober sa DHL warehouse sa naturang lungsod.  Itinago ang mga tabletas na Ecstacy sa isang paper shredder na nanggaling sa United Kingdom (UK) at naka-consign ito sa isang suspek na taga-Pasig City.

Nagkaroon ng Pagsasagawa ng document check ang kanilang mga tauhan at physical examination sa kargamento na galing sa DHL warehouse sa lungsod ng Pasay City nang mapansin ang mga hindi magkakatugmang impormasyon dahilan para madiskubre ang droga.

Sa pagtataya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Umaabot sa higit na P9 milyon ang halaga ng mga nasabat na tabletas Ecstacy.  Ipinasa na ito ng BOC sa PDEA para sa kaukulang pagsusuri at mga imbestigasyon.

Nakatakdang habulin ngayon ng PDEA ang responsableng consignee ng kargamento na mahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation) sa ilalim ng Customs Modernization and Tarrifs Act at RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. FELIX LABAN