January 20, 2025

P89.590-M SHABU GINAWANG “SNACKS” (Consignee arestado ng BOC NAIA, PDEA at NAIA-IATG)

NAHARANG ng mga ahente ng gobyerno ang isang kargamento na idineklarang “snacks” mula sa bansang Nigeria na naglalaman ng shabu na may halagang P89.590 milyon.

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang consignee ng kontrabando sa ikinasang controlled delivery operation sa Las Piñas City.

Nadiskubre ang 3,175 gramo ng shabu nang isalang sa physical examination ang naturang parcel.

Nakumpirma sa laboratory test ng PDEA na shabu ang nadiskubreng illegal na droga.

Nagsasagawa ng custodial investigation ang PDEA sa naarestong claimant para sa tuluyang inquest proceeding para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Anti-illegal Drugs Act at RA 10863 o  Customs Modernization Act (CMTA).

Nanatiling nakatuon ang BOC Port of NAIA, sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan, para protektaha ang bansa laban sa pagpasok ng illegal na produkto alinsunod sa kautusan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.