November 23, 2024

P83-B FUNDS NA HINDI NAGAMIT NG DSWD, NASILIP

Kinuwestiyon ng mga Senador ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa P83 bilyon na pondo na hindi pa nagagamit habang milyong katao ang nagdurusa sa pandemya at sa pagtama ng sunod-sunod na bagyo kamakailan lang.

Sa ginanap na Senate budget deliberation noong Martes, Nobyembre 17, sinabi ni Senator Imee Marcos, na siyang naatasan upang depensahan ang DSWD 2021 budget, na nasa mahigit P83-bilyon mula sa nakaraang budget ng ahensiya ang hindi pa nagagastos dahil sa pahirapang pamamahagi sa kasagsagan ng COVID-19, na sinabayan pa ng sunod-sunod na bagyo.

Mistulang kriminal naman para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang hindi pamamahagi ng P83 bilyon para sa mga kababayan nating nangangailangan.

“There are 10 million Filipinos who lost their jobs. Five million are experiencing hunger for the last 3 months. And yet, we have P83 billion unexpended sums in the bank accounts of the DSWD,” dagdag pa niya.

“This is almost criminal. This cannot continue. We have the money but we’re not using it to help those in need,” wika pa ng senador.

Samantala, iminungkahi ni Senator Francis Pangilinan na maghain ng resoulusyon upang himukin ang executive department na mapablis ang pamamahagi ng hindi nagamit na pondo, na sinang-ayunan naman ng iba pang senador.


“The Senate [should] come up with a resolution that fast tracks releases because our people are dying, our people our hungry, and our people are jobless,” saad ni Pangilinan.