March 21, 2025

P816-M SHABU NASABAT SA ORIENTAL MINDORO


Nasa humigit kumulang 120kilos  ng hinihinalang shabu ang nasabat ng PDEA MIMAROPA, PNP MIMAROPA , PCG Calapan at Port Police sa checkpoint sa loob ng Calapan Port sa Oriental Mindoro.

Ayon kay BGen. Roger Quesada, Regional Director ng MIMAROPA PNP, aabot sa P816 milyon ang halaga ng nakumpsikang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing Batangas Port ang kotse na patungo sanang Iloilo City ng maharang  habang palabas ng Calapan Port.

Nakasibat pa umano ang driver pero nahuli rin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Calapan.

Galing pa umano sa Iloilo ang driver at lumuwas lamang sa Batangas para kunin ang kotse.

May nag-utos  umano sa suspek pata ihatid sa Iloilo ang kotse.

Nakapaloob ang mga  shabu sa mga maleta at bag. (Bernie Gamba/Aida Taguicana)


Kuha ang larawan mula sa MIMAROPA PNP