INAALAM na ngayon ng mga otoridad ng Tanza Municipal Police Station ang pagkakilanlan ng isang bangkay ng babae na natagpuang hubo’t hubad sa isang kuwarto at kung sino ang may ari ng nadiskubreng 1.2 kilo ng mga pinaghihinalaang shabu bandang alas diyes ng gabi araw ng Linggo sa Blk.27 Lot 4 Phirst Park Subdivision ng Tanza, Cavite.
Ayon sa report ni Police Staff Sargeant Cortez, ang imbestigador na may hawak ng kaso, kay Tanza Chief of Police Major Dennis Villanueva, nasa edad 30 hanggang 35 taon gulang ang babae na nirespondehan ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) na itinawag naman ng mga opisyal ng barangay ng nasabing bayan at dito na tumambad sa kanilang harapan ang katawan ng hindi pa kilalang biktima na walang palatandaan na nagkaroon ng foul play dahil wala itong ni isang sugat o galos sa katawan at wala rin nakitang identification cards na pagmamay-ari ng biktima.
Nakita rin sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kabilang kuwarto ang 1.2 kilograms ng mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8,160.000.00.
Tinitingnan ang anggulong over dose at atake sa puso ang posibleng ikinasawi ng biktima at nagpakalat na rin ngayon ng tracker team ang mga kapulisan para alamin kung sino ang huling nakasama ng biktima bago ang pagkamatay nito at ang posibleng may ari ng natagpuang iligal na droga. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI