Inihayag ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office kay Police Brigadier General Antonio C Yarra, Regional Director 4A Calabarzon ang pagkakaaresto sa tatlong drug suspect sa Anti-illegal drugs buy-bust operation, sa Santa Cruz, Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr. ang nadakip na suspek na si Christopher Leaño, 45, walang trabaho, at residente ng Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Sta. Cruz Municipal Police Station, kasama ang PDEA-Laguna, ang suspek dakong alas-1:45 kaninang madaling araw sa Sitio 5, Brgy. Bagumbayan, Santa Cruz, Laguna, na aktong na nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagnagsilbing poseur buyer kapalit ng buy-bust money.
Nakumpiska sa suspek ang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 8.2 gramo na may street value na P55,700, isang piraso ng pouch na may P300 na hinihinalang drug money, at narekober kasama ang buy-bust money.
Sa isa pang operasyon ng pulisya ng Santa Cruz MPS ay naaresto naman si Jayson Calimag, 32, walang trabaho, at residente ng Brgy. Oogong, Sta Cruz, Laguna dakong alas-7:40 ng gabi kahapon, Hulyo 21, 2022 sa Sitio 3, Brgy. Oogong, Santa Cruz, Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng buy bust money.
Nakumpiska sa kanya ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 2.35 gramo na may street value na 15,900 pesos, isang piraso ng plastic case, at nakuhang buy-bust money.
Gayundin, arestado si Feliciano Emosino Jr, 32, construction worker, at residente ng Barangay Oogong, Sta Cruz, Laguna noong alas-9:55 ng gabi kahapon Hulyo 21, 2022 sa Sitio 4, Brgy. Oogong, Santa Cruz, Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng buy-bust money.
Nakumpiska ang mga ebidensiya ng dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 1.1 gramo, at street value na 7, 480.00 pesos, isang piraso ng coin purse, at narekober na buy bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Santa Cruz MPS ang mga naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa forensic examination.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY