November 18, 2024

P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo

NASA mahigit P760K halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos madakip ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestong mga suspek na si alyas “Manny”, 54, (HVI), alyas “Tahar”, 48, tricycle driver”, at alyas “Tina”, 43, pawang residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Doles, bago nadakip ang mga suspek ay nakatanggqp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas Manny kaya isinailalim nila ito sa pagmamanman.

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Rastie Mables ang buy bust operation nang magawa umano ng isa sa mga operatiba na makipagtransaksyon kay alya Manny ng P6,500 halaga ng droga.

Nang tanggapin umano ni alyas Manny ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-11:29 ng gabi sa Torsillo Street, Barangay 28, kasama ang dalawa pang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 112 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P761,600.00, at buy bust moneny na isang P500 bill at 6-pirasong P1,000 boodle money..

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.