January 16, 2025

P7.3M covered pathway project ng CDC, natapos na

CLARK FREEPORT – Nakumpleto na kamakailan ng Engineering Services Group (ESG) ng Clark Development Corporation (CDC) ang Covered Pathway Project na nagkakahalaga ng P7.3 milyon na matatagpuan sa Friendship Gate ng naturang Freeport.

Papakinabang ang nasabing pathway, na 715.41 linear meters ang haba, ng mga pedestrian workers at visitors na papasok sa Friendship Gate sa Clark. Layon din nito na magbigay lilim sa mga nagko-commute at mapadali ang biyahe sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na maglakad mula sa jeepney station sa labas ng Friendship road patungo sa waiting shed malapit sa intersection.

Ayon sa CDC-ESG na pinamumunuan ni Vice President Dennis C. Legaspi, kabilang sa iba pang ipinagpapatuloy na proyekto ay ang Phase 4 ng Bike Lane, na inaasahang matatapos ngayong Setyembre. Kasama sa proyektong ito ang pagtatayo ng dalawang metrong lapad, pitong kilometrong haba papasok at papalabas na bike lane na magbibigay-daan sa mga siklistang bumibiyahe mula sa Friendship Gate na dumaan sa M.A. Roxas Highway, patungo sa Clark Main Gate.

Kapag nakumpleto na, ang bike lane ay magbibigay ng access para sa mga manggagawa sa loob ng Freeport Zone na may seamless at mas ligtas na landas habang nagbibisikleta papunta sa trabaho. Magbibigay din ito ng mas mahabang ruta ng bisikleta para sa mga leisure bikers at siklista na pumapasok at lumalabas sa main gate.

Samantala, inaasahan na matatapos na ang BCDA-funded New Clark City Non-Motorized Transport System na nagkakahalaga ng P34.3 milyon. Kasama sa proyektong ito ang pagtatayo ng non-motorized transport system patungo sa Clark Freeport Zone, kabilang ang bike path mula sa Mabalacat Gate, na dumadaan sa Gil Puyat, Panday Pira, Creekside Roads, M.A. Roxas Highway, hanggang sa New Clark City. Kasama rin ang restoration ng mga konkretong kurbada, pagtatayo ng mga bangketa, mga metal frame at grating, pagpipinta sa daanan ng bisikleta, pavement marking, at tree transplanting.

Ang lahat ng road networks at mga covered walkway na ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang mga kalsada, bike lane, at pedestrian access sa lahat ng manggagawa, visitors , at stakeholder ng Freeport.

On-going na rin ang pagpapatayo ng Clark North Gate, na matatagpuan sa pagitan ng Clark North Ext ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Sacobia Bridge.

Patuloy na rin ang proyekto sa pagpatayo ng Clark North Gate, na matatagpuan sa pagitan ng Clark North Exit ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at ng Sacobia Bridge. Ang iba pang mga proyekto na nasa pipeline ay ang mga pagpapabuti ng mga guesthouse, pagsasaayos ng mga opisina ng CDC, pagpapahusay ng drainage system at pagtatayo ng satellite office ng Environmental Protection Division, at ang pagtatayo ng Connector Road mula McArthur Highway hanggang Clark Freeport Zone. Ang iba pang mga proyekto na nasa pipeline ay ang mga pagpapabuti ng mga guesthouse, pagsasaayos ng mga opisina ng CDC, pagpapahusay ng drainage system at pagtatayo ng satellite office ng Environmental Protection Division, at ang pagtatayo ng Connector Road mula McArthur Highway hanggang Clark Freeport Zone.