January 23, 2025

P7.3-B puslit na produkto nasabat ng BOC sa ininspeksiyon na mga bodega sa Caloocan City at Bulacan

NAGKAKAHALAGA ng mahigit pitong bilyong pisong smuggled goods ang natuklasan ng Bureau of Customs sa isinagawang ininspeksiyon sa ilang bodega sa Caloocan City at Lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kasama sa nasabat ang kinopyang damit-panloob, medyas at sari-saring merchandise, kitchenware, appliances, apparel, toys, computer accessories at cosmetics na nagkakahalaga ng ₱7.3-B.

Katuwang ng BOC-MICP team sa pag-inspeksiyon sa mga nasabing bodega ang  Philippine National Police (PNP) at mga barangay officials. Sinabi ni Commission Rubio na isinara na ang mga nasabing bodega habang isasalang sa inventory ng mga Customs examiner ang mga natagpuang smuggled items.