
Umabot sa 216,213 indibidwal ang nahuli ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa, na nagresulta sa P64.2 milyon na multa nitong Pebrero.
Napansin ni NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga lumalabag, nahuhuli, napaparusahan at nakakasuhan simula noong Disyembre 2024 ay dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa buong rehiyon.
Lumalabas sa datos ng NCRPO na nalampasan ng mga violator noong nakaraang buwan ang bilang na 192,063 offenders na naitala noong Enero at 200,642 noong Disyembre.
Sa 216,213 violators noong Pebrero, sinabi ng NCRPO na 126,428 ang inisyuhan ng warnings, 86,538 ang pinagmuluta at 3,249 ang kinasuhan.
Ang mga multa na nakolekta ay tumaas din nang malaki mula PHP57 milyon noong Enero at PHP52.7 milyon noong Disyembre. “The increasing trend in our accomplishments reflects our unwavering commitment towards safety and security. With our aggressive and consistency stance in implementing ordinances, we are fostering a culture of discipline, public cooperation, and mutual respect for the rule of law,” ayon kay Averin.
More Stories
HOUSE PROSECUTORS HINILING SA SENADO NA MAGLABAS NG WRIT OF SUMMONS VS SARA DUTERTE
REGISTERED OWNER AT DRIVER NG DUMP TRUCK NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA EDSA BUS CAROUSEL SA QC IPINATATAWAG NG LTO
MAYOR BASTE, GRINGO HONASAN MAGHAHAIN NG PETISYON SA ICC PARA MAIBALIK SI FPRRD SA ‘PINAS