Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation.
Tinitiyak ng kalihim na sa sandaling makita niyang may sapat na basehan para sa malalimang imbestigasyon ay agad niya itong ire-refer sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Task Force Against Corruption.
Ang naturang alegasyon ng tongpats sa imported pork ay pinaiimbestigahan na ni DA Sec. William Dar.
Pero ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mas makabubuti kung ang DOJ o ang NBI ay manghimasok at magsiyasat sa sinasabing problema sa DA.
Umaasa rin ang mga magbababoy na matutulungan sila ni Sec. Guevarra hinggil sa kanilang problema sa DA na imbes na pumapanig sa kanila ay nagpapahirap pa raw sa mga magsasaka na apektado na nga ng smuggling, African Swine Fever at sobra-sobrang importasyon.
Noong Lunes, isiniwalat ni Lacson na base sa nakuhang impormasyon, pinapatungan ng P5 hanggang P7 ang kada kilo ng inaangkat na baboy kaya lalaki ang kickback o tongpats nila kapag pinayagan ang pagbaba ng taripa.
“Kung P15 ang idadagdag kasi 5-7, sabihin nating P15, easily P6B ang kikitain ng maswerte roon.” wika ni Lacson sa isinagawang interpelasyon sa isang resolusyon sa Senado noong Lunes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA