
NASABAT ng Bureau of Customs ang 994 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P6,759,200 sa Port of Clark ngayong Lunes, Abril 14.
Nadiskubre sa loob ng isang kahon ang isang metal wheel bearing na may apat na pakete ng puting crystal substance na nakabalot sa brown packing tape.
Ang nasabing epektos ay mula sa Bujumbura, East Africa at nakatakdang ipadala sa Cavite City.
Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang mga awtoridad para sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (R.A. No. 10863), kaugnay ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (BG)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!