December 25, 2024

P6.7-B SHABU NASABAT SA MANILA DRUG BUST

INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pagkakakumpiska ng P6.7 bilyong halaga ng shabu sa Tondo, Maynila.

Sa isang press conference, sinabi ni Abalos na umabot sa 890 kilo at 102 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska alas-4:45 ng hapon noong Sabado sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo.

Naaresto rin ang isang Ney Saligumba Atadero, 50, residente ng Ermita, Manila.

Samantala, nakumpiska naman sa isang follow-up operation kaninang alas-2:30 umaga sa Quezon Bridge sa Quiapo ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga P13.6 million.

“This afternoon will be historic in our country. This is probably the biggest drug haul in the history of the Philippines, isang toneladang drogra o 990 kilograms of shabu, at about P6.7 billion pesos,” sabi ni Abalos.