January 23, 2025

P6.352-T NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM PARA SA 2025 APRUB KAY MARCOS

Inaprubahan na ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang Fiscal Year 2025 National Expenditure Program (NEP) na sumusuporta sa mahahalagang programa ng administrasyon sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Ang panukalang national budget para sa fiscal year 2025 ay aabot sa PhP6.352 trillion.

Batay sa direktiba at policy guidance ng Pangulong Marcos, bibigyang prayoridad ng gobyerno ang food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity, at energization.

Ayon kay Pangulong Marcos sa ilalim ng inaprubahang NEP, ang ahensiya ng gobyerno na makakakuha ng malaking pondo mula sa gobyerno ay ang education sector kabilang ang DepEd, SUCs, CHED, TESDA, public works (DPWH), health (kabilang ang PhilHealth), interior and local government (DILG), at defense (DND).

Kabilang sa mga top priorities para sa pondo ay ang social welfare, (DSWD), agriculture (DA) at attached corporations; Department of Agrarian Reform (DAR); Department of Transportation (DOTr), judiciary, at ang justice.

Malaki din pondo ang ilalaan sa maintenance at iba pang mga operating expenses na susundan ng personnel services, capital outlays, at financial expenses.