November 24, 2024

P6.3-M ECSTASY NASABAT SA CMEC

NASABAT ang nasa higit P6.3 milyon halaga ng illegal na droga ng mga operatiba ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa ikinasang operasyon sa isang warehouse sa CMEC na matatagpuan sa Pasay.

Nadiskubre ang illegal na droga sa isang abandonadong parcel na ipinadala ng isang Lambert Louis ng Antwerpen, Belgium na naka-consign sa isang nagngangalang Maritoni Macainan Bacangoy, ng Fairways Tower, 5th Avenue, BGC sa Taguig.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon mula sa PDEA, idineklara ang naturang parcel bilang Shoenen Rack at kung saan itinago sa loob ang isang improvised pouch na naglalaman ng 3,742 ecstasy tablets na may standard drug price na P6,361,400.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng tangkang pagpuslit ng nasabing illegal na droga sa bansa. ARSENIO TAN