CLARK FREEPORT ZONE, PAMPANGA – Alinsunod sa mandato nito na protektahan ang mga hangganan laban sa pagpasok ng illegal na droga, nasamsam ng Port of Clark ang 1,187 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P6.291.630 na natagpuan sa loob ng rims ng tatlong wheelchair caster.
Nadiskubre ng BOC ang mga illegal na droga sa isang kargamento na idineklarang naglalaman ng “mini/somatic wheelchaircaster,” na dumating noong Enero 13 mula Tanzania, East Africa.
Ang kargamento ay isinailalim sa karaniwang K9 sniffing at x-ray scanning procedures at physical examination batay sa impormasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nadiskubre ang tatlong wheelchair casters na puno ng puting powdery substance sa kahabaan ng rims.
Dinala ang mga sample ng kinatawan sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na nagpositibo sa cocaine, isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid sa BOC na nasa 1,187.1 gramo ng cocaine ang kanilang nadiskubre na tinatayang aabot sa P6,291,630 ang halaga.
Agad na naglabas ang Port of Clark ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Seksyon 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, i & l (3 & 4) ng R.A. 10863 na may kaugnayan sa Seksyon 4 ng R.A. No. 9165 na kilala rin bilang Anti-illegal Drugs Act.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag