
DALAWANG mananaya ang maghahati sa P6.1 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw noong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination na 11-10-05-42-24-39 at may kabuuang jackpot prize na P6,184,178.80 paghahatian ng dalawang bettors na taga-Compostela Public Market, Davao de Oro at taga-Barangay Talipan sa Pagbilao, Quezon.
Samantala, 42 na mananaya ang nanalo ng tig-P24,000 matapos mahulaan ng tama ang lima sa anim na winning numbers at 1,763 naman ang tatanggap ng tig-P800 para sa apat na tamang numero.
May isang taon mula sa draw date ang dalawang winners upang i-claim ang kanilang premyo alinsunod sa Republic Act 1169 o batas na sumasaklaw sa PCSO lotteries.
Lahat ng jackpot prizes kailangang i-claim sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Kinakailangang isulat ng mga nanalo ang kanilang pangalan at pirma sa likod ng winning ticket at magprisinta ng dalawang government-issued ID o dokumento. Ayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang mga lotto winnings na higit sa PHP10,000 papatawan ng 20 porsyentong buwis.
Ang 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela