December 25, 2024

P58M SHABU NALAMBAT SA CAVITE

Iprinisinta ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga miyembro ng hinihinalang drug syndicate kung saan nakuha sa kanila ang 8.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga sa P58 milyon sa ikinasang joint buy-bust operation sa Imus, Cavite noong Hunyo 19, 2021.

MAYNILA – Nasabat sa isang joint buy-bust operation ang mahigit sa P50 milyon sa Imus, Cavite noong Sabado (Hunyo 19).

Inilunsad ang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Cavite Provincial Police Office at Imus Municipal  Police Station.

Aabot sa 8,533 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P58,024,000 ang nasamsam sa buy-bust operation.

Arestado sa naturang operasyon ang limang suspek dahil sa paglabag sa  Dangerous Drugs Act or Republic Act No. 9165, ayon kay MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco.

Kinilala ang mga suspek na sina Tamano M. Daud, 41; Ismael G. Daud, 24; Norma B. Maguid, 23; at Omar A. Redia, 42.
Iprinisinta sila ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall ngayong Lunes.

Ayon kay Moreno, kakasuhan din ang mga suspek ng illegal possession of firearms and ammunition sa ilalim ng Republic Act No. 10591.