
Magiging napakasagana ng 2024 ng dalawang mananaya na magkahiwalay na tumama sa lotto nitong Biyernes, December 29, 2023. Lalo na ang solong nanalo ng P571 milyon jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na may isang tumama sa Ultra Lotto 6/58 na ang lumabas na mga numero ay 19-35-25-42-58-05.
Umabot ang kabuuang premyo nito ng P571,554,916.40.
Isang mananaya rin ang nanalo sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 06-12-28-04-16-17, at may jackpot prize na P23,333,389.60.
May pag-asa pang maging multi-milyonaryo ang mga tumataya ng lotto sa pamamagitan ng Grand Lotto 6/55 na mahigit P557 milyon ang premyo na hindi pa tinatamaan.
More Stories
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC
2 BLACKLISTED CHINESE NATIONALS, NAHULI SA BACKDOOR EXIT SA TAWI-TAWI