Nagbunga ang giyera kontra droga ng pamahalaan Duterte upang makasamsam ng P52.26 bilyon halaga ng ipinagbabawal na gamot, mahigit sa 90 porsiyento rito ay shabu o ‘yung tinatawag na bisyo ng mahihirap na nanatiling tinatangkilik na droga sa bansa, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency chair Director General Wilkins M. Villanueva.
Sa nabanggit na pinakabagong istatistika ng #RealNumberPH, sinabi ng PDEA chief na magmula sa Enero 1, 2016 hanggang Oktubre 31 ngayong taon, nakasabat ang law enforcement agents sa pangunguna ng PDEA at Philippine National Police ng P56.26 bilyon halaga ng shabu, kemikal sa paggamit ng droga, kagamitan sa laboratoryo at iba pang ipinagbabawal na gamot tulad ng cocaine, ‘Ecstacy’ at marijuana.
Sa apat na taon ring iyon ay 631 drug den at 17 clandestine shabu laboratories ang kanilang nasalakay.
Sinabi pa ng opisyal na 5,942 ang napatay matapos manlaban sa undercover na officers habang 266,126 naman ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 kasunod ng isinagawang 183,525 anti-narcotics operation.
Ang PDEA ang siyang nangungunang ahensiya sa pagpapatupad ng anti-drug law sa bansa. Malaki rin ang naitulong ng PNP sa pamumuno ni General Debold M. Sinas na siyang nag-utos sa mas pinaigting na crackdown laban sa ilegal drug trafficking and abuse, maging ang pagbibigay ng kapangyarihan sa lahat ng PNP National Operational Support Units na magsagawa ng kanilang sariling kampanya laban sa big-time drug trafficker o sa mga nagbebenta ng isang kilo ng shabu o higit pa sa pakikipagtulungan ng PNP Drug Enforcement Group na pinamumuan ni Brigadier Gen. Ronal O Lee at ng PDEA.
Inatasan din ni Gen. Sinas ang lahat ng 17 Police Regional Offices na doblehin ang kanilang sinanay na drug enforcement personnel upang makatulong sa war on drugs.
Sinabi rin ni Villanueva na sa 266,000 na suspek na naaresto ay 10,721 rito ay mga “high-value target. Kabilang sa kanila ay 287 na foreign nationals, 32 elected public officials; 102 uniformed personnel; 445 government employees; 3,098 sa watch list ng pamahalaan; 751 drug group leaders/members; 66 armed drug group members; 1,035 drug den maintainer; 232 wanted-listed; 18 celebrities o mga holder ng Professional Regulation Commission card; at 4,325 iba pa na naaresto bilang resulta ng mas pinatindi na operasyon.
Sa apat na taon din aniya ay nasagip ng government law enforcement agents ang nasa kabuang 3,418 na bata na sangkot sa illegal drug activities, 901 sa kanila ay dahil sa pangangalaga ng ipinagbabawal na droga; 1,935 ang nagtutulak; 2 sa pagtatanim ng marijuana; 164 sa pagbisita sa sinalakay na drug den; 9 ang ang drug dive maintainer; 11 bilang drug den employees; 1 sa clandestine lab employee; at 393 ang gumagamit ng ilegal na droga.
Sinabi rin ni Villanueva na sa 42,045 na barangay sa bansa ay 20,538 dito ay idineklarang drug free na sa loob ng apat na taon at tatlong buwan ng administrasyong Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA