MAYNILA – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na maaring kasuhan, pagmultahin at ikulong ng ilang buwan ang mapapatunayang gagamit ng pekeng COVID-19 vaccination cards.
Ayon kay PNP chief PGen. Dionardo Carlos, paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law ang pamemeke ng vaccination cards.
“If you are caught falsifying, tampering, or using a fake vaccination card, you will be slapped with penalties including a P20,000 to P50,000 fine or imprisonment of one to six months, or both,” said Carlos. Ginawa ni Carlos ang pahayag pagkatapos ipatupad ang bagong polisya upang higpitan ang hindi pa nababakunahan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
“Since more local government units are now under stricter restrictions, chief executives may opt to implement the ‘no vaccination, no entry’ policy in establishments or entry points, including checkpoints,” dagdag ni Carlos.
Dahil sa mahigpit na polisiya na ito, maaring mapilitan ang mga desperadong hindi pa nababakunahan na kumuha ng pekeng vaccination cards.
Ayon kay Carlos, may access ang PNP sa electronic verification system para suriin kung ang isang tao ay nakapagbakuna na sa pamamagitan ng database ng LGUs o Health Department.
Nitong kamakailan lang, inilabas ng Department of Transporation ang kautusan na nagbabawal sa mga unvaccinated individual na sumakay ng public utility vehicles sa Metro Manila.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY