IBINULGAR ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Kapihan sa Manila Bay forum na umaabot hanggang P5,000 kada araw ang kinikita ng mga nalilimos na Badjao sa Metro Manila.
Aniya, ito ang kanyang natuklasan matapos ang isinagawang rescue operation ng naturang ahensiya noong nakaraang linggo.
“Unfortunately, while in the process of rescuing them. We found out several things,” saad ni Tulfo.
“Mayroon silang inuupahan diyan, na parang bahay sa Tondo, parang board and lodging… and we found out base sa social worker namin sa interview, kumikita sila ng parang 5,000 pesos per day,” saad pa ng Kalihim.
Matatandaan na nasagip ng DSWD ang 100 na nanlilimos na Badjao sa kalye sa Metro Manila noong nakaraang linggo.
Inihayag ni Tulfo na ang mga bawat pamilya na Badjao na nasagip ay inayudahan ng tig-10,000 na maari nilang gamitin para sa kanilang kabuhayan.
“Kinausap natin noong isang araw. Ayun ang sinasabi wala kaming kabuhayan, kung may ayuda daw ba na binibigay, pinipili lang daw ng LGU,” ayon kay Tulfo.
“So what I did was, sabi ko, bigyan na lang ng pangkabuhayan nila … kinausap na namin yung provincial welfare office doon sa Jolo, Sulu, sila na ang bahala magdistribute sa tao, kasama ang social welfare namin,” dagdag niya.
Samantala, gumagawa na rin ng paraan o hakbang ang DSWD upang matukoy ang grupo na humahawak sa mga Indigenous People (IPs) kabilang ang mga ‘financier’ para lamang makarating ang mga ito sa Metro Manila.
Ayon kay Tulfo, hindi lamang sa mga lungsod sa Metro Manila sila nakikipag-ugnayan kundi maging sa mga rehiyon kung saan mayroong mga IPs.
Paliwanag nito, hindi lamang mga Badjao ang kabilang sa mga IPs kundi mayroon ding mga Tausug.
Sumulat na rin aniya ang DSWD sa Philippine Coast Guard, Department of Interior and Local Government (DILG), BARMM at Department of Transportation (DOTr) at para pag-usapan ang isyu.
Pagdating sa Coast Guard, aabangan na ang barko sa port of origin nito upang mapigilan ang human trafficking.
Maging sa airlines aniya ay may nag-isponsor na ng ticket ng mga IPs para lamang makarating sa Maynila at mamalimos lalo sa panahon na papalapit na ang Kapaskuhan.
Samantala, hinihintay pa ayon kay Tulfo na masagip ang lahat ng mga IP pabalik sa kani-kanilang probinsya bago iproseso ang kanilang registration sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang mabigyan ang mga ito ng birth certificate. Sa ngayon, wala pang datos ang DSWD kung ilan ang kabuuan ng IPs na hindi pa rehistrado dahil nagpapatuloy pa ang kanilang rescue operations.
Nakipag-ugnayan na rin at humiling na ang BARMM sa DSWD para makontrol ang pagdayo ng mga IPs sa Maynila.
Gumagawa na ng paraan o hakbang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matukoy ang mga grupo na humahawak sa mga Indigenous People o IPs kabilang ang mga ‘financier’ para lamang makarating ang mga ito sa Metro Manila.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA