
Ipinawalang-bisa ng Sandiganbayan ang kasong P5 milyong ill-gotten wealth laban sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at sa kanyang asawa, Imelda, dahil sa”unexplained inaction for decades” ng prosekusyon.
Sa 12 pahinang resolusyon, sinabi ng Anti-graft court Second Division na bigo ang mga state prosecutors na usigin ang mga respondent sa hindi makatwiran na haba ng panahon.
Kaugnay ito sa paghahabol ng pamahalaan sa mga sasakyan at household appliances ng kapwa akusado na si Fernando Timbol. Pinaniniwalaan na nakuha ni Timbol ang mga ito dahil sa kanyang kaugnayan sa mga Marcos.
“As the law and jurisprudence dictate, plaintiff’s unexplained inaction for more than four decades warrants the dismissal of the complaint against defendant Spouses Marcos,” saad ng anti-graft court.
Nilinaw ng Second Division na ang kasalukuyang kaso ay nararapat lamang idismis.
Ang Civil Case 0032 ay isinampa noong July 1987. Bahagi ito ng 40 na kasong sibil na isinampa ng PCGG laban sa mga Marcoses at sa kanilang mga cronies para mabawi ang umano’y ill-gotten wealth.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms