Umabot sa P5.3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang winasak ng mga tauhan ng Bureau of Customs Sub-port of Puerto Princesa sa Palawan.
Ayon sa BOC, nasa kabuuang 207 box at 3,507 na ream ng smuggled cigarettes ang sinira sa Palawan Flora and Fauna Watershed Reserve sa Irawan, Puerto Princesa City, alinsunod sa Section 1146 at 1148 ng Customs Modernization and Tariff Act, sa rekomendasyon ng Condemnation Committee na pinamumunuan ni Deputy Collector Filemon L Mendoza Jr at Auction and Cargo Disposal Unit Chief Jeremias C. Leaño.
Ang mga sigarilyong sinira ay nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon mula Agosto 16-18 sa pangunguna ni Puerto Princesa Port Collector Gladys Fontanilla-Estrada at presensiya ng Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard Palawan, at National Bureau of Investigation Puerto Princesa District Office.
Una rito, ipinag-utos ang pagwasak sa mga nasabat ng yosi ni District Collector Ma. Rhea M. Gregorio pabor sa pamahalaan dahil sa paglabag sa customs laws, rules, and regulations.
Tiniyak ni Estrada sa publiko na palakasin pa nila ang border security para maiwasan ang pagpasok ng mga iligal na produkto sa bansa at pinaalalahanan silang huwag tumangkilik sa mga produktong ito dahil nakakasira ito sa mga lehitimong negosyo gayundin sa pambansang ekonomiya.
More Stories
PAGPAPALAYA SA POLITICAL PRISONER GIIT NI CARDINAL DAVID
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo