Nag-abiso ngayon ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas at ilang mga barangay officials sa mga residente na kukuha ng cash assistance mula sa national government.
Nabatid na sinimulan na ng Las Piñas Local Government Unit (LGU) ngayong araw ang pamamahagi ng nasabing ayuda pero nasa 500 katao lamang kada barangay ang papayagang pumila.
Ito’y upang maging maayos ang sistema at maging mabilis ang pamamahagi ng cash assistance.
Paraan din ito para maiwasan ang pagdagsa at siksikan ng mga tao sa mga itinalagang distribution site.
Target ng lokal na pamahalaan mabigyan ang nasa 120,000 na mga residente mula sa 20 na mga barangay. Matatandaan na nabigyan ang Las Piñas City Government ng P501.070 milyon na pondo bilang ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas
4 KAWANI NG NBI, KASABWAT NA 7 FIXERS KALABOSO