ARESTADO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Bolivian national matapos nitong tangkaing magpuslit ng P47 milyon halaga ng cocaine sa bansa.
Kinilala ang suspek na si Robert Lavandenz Alvarez, 30. Dumating siya sa Maynila noong Martes, Oktubre 31, mula Sao Paulo, Brazil lulan ng Ethiopian Airlines flight ET 644 na nag-stop-over sa Addis Ababa, Africa.
Si Alvarez ay inaresto sa “interdiction operation” na isinagawa sa Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City bandang alas-8:40 ng gabi noong Oktubre 31.
Nakuha sa kanya ang 8,999.11 gramo ng cocaine na tinataya sa P47,695,283, ang halaga, Bolivian passport, dalawang ET boarding passes; Customs baggage declaration form; Bolivian National ID card; at cellular phone.
Ang nakumpiskang kontrabando ay sinamsam habang haharap naman sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165, or the Comprehensive Drug Act of 2002, at RA 10863, o Customs Modernization and Tariff Act ang suspect.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA