MAKAKABILI na ang mga consumer ng well-milled rice sa halagang P45 per kilo sa ilang Kadiwa Stores simula sa Agosto 1, ayon sa Department of Agriculture.
Inanunsiyo ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa ang opisyal na paglulunsad ng Rice for All Program ng gobyerno na layong makapagbenta ng bigas sa murang halaga.
“Ang presyo, ikukumpara natin, ‘yong commercial well-milled rice na imported ay P51 to P55. ‘Yong local natin is P45 to P55. So nasa lower range tayo noongk inuya ay P45 per kilo,” paliwanag ni De Mesa.
Kabilang sa Kadiwa sites na mabibili ang P45 per kilo ng bigas sa FTI Taguig, Caloocan, Barangay Potrero sa Malabon, at Bureau of Plant Industry sa Maynila.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA