December 20, 2024

P442-M pinasala ni Goring, ‘habagat’ sa infra sa 4 lalawigan

Umabot sa P442.34 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura ng habagat at epekto ng Bagyong Goring sa apat na rehiyon.

Sa ulat na inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH),  kabilang sa mga lugar na matinding napinsala sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley at Mimaropa (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), kung saan P146.27 milyon ang estimate damage sa kalsada, P14.68 milyon sa tulay at P281.38 milyon sa flood-control structures.

Ayon sa DPWH Bureau of Maintenance na nitong alas-10:00 kaninang umaga, hindi na madaanan ang apat na kalsada sa Cordillera region at talong kalsada sa Ilocos region dahil sa paglubog ng daanan, Muling binuksan ang 26 kalsada subalit nililinis pa ng DPWH ang sumusunod na lugar na sarado sa lahat ng uri ng sasakyan: Abra-Ilocos Norte Road, San Gregorio, La Paz, Abra; Kennon Road, Camp One, Tuba, Benguet; Claveria-Calanasan-Kabugao Road, sections in Barangay Namaltugan and Barangay Ninoy, Calanasan, Apayao; Dantay Sagada Road, Barangay Antadao, Sagada, Mt. Province; Ilocos Norte-Apayao Road, Barangay Maananteng, Solsona, Ilocos Norte; Roxas Bridge, Vigan-San Vicente Road in Ilocos Sur; and Pangasinan-Nueva Vizcaya Road, Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan.

Habang isang lane lang ang madadaan para sa magagaan na sasakyan sa Vigan Bridge 1 at 2 sa kahabaan ng Bantay-Vigan Road sa Barangay 1, Vigan City, Ilocos Sir at Nasugbu-Lian-Calatagan Road, Barangay Putting Kahoy, Lian, Batangas.

Ang habagat ay kasalukuyang pinalalakas ng Bagyong Hanna at dalawa pang tropical cyclones (Saola at Kirogi) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), na maghahatid ng malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Ang sentro ng mata ng Bagyong Hanna ay tinatayang nasa 455 km. east-northeast ng Itbayat, Batanas as of 11 am.

Inilagay sa Signal No.1 ang lalawigan habang isinusulat ang balitang ito.