November 24, 2024

P430 WAGE HIKE PARA
SA WORKERS SA REGION 7
INIHAIN NG TUCP


Naghain ngayong araw ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa Regional Wages and Productivity Board – VII (RTWPB-VII) para sa P430 increase ng daily minimum wages sa naturang rehiyon.

Nakasaad sa petisyon ng TUCP na ang minimum wage earners at kanilang mga pamilya sa Cebu, Bohol, Siquijor at iba pang underlying islands ay halos hindi na makaraos sa buhay dahil sa kakarampot nilang kita.

Idinahilan ng TUCP sa petisyon ang problema sa kagutuman, malnutrition, at pagsipa ng presyo ng langis at ng iba pang bilihin.

Iginiit ni TUCP President Raymond Mendoza na bumagsak na ang minimum wage earners at ang kanilang pamilya sa kategoryang low-income to newly poor.

Ayon kay Mendoza, nakalulungkot isipin na naghihirap na ang mga Pilipino na nagbabanat ng buto para lamang mapanatili at mapalawak ang takbo ng ekonomiya.

Base sa panuntunan ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay naglalaro sa P500 – P537 ang daily minimum wage sa NCR. Binigyang diin ng TUCP na ang kasalukuyang monthly take-home pay na P12,843.48 ay malayo sa P16,625 poverty treshold para sa pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila