December 24, 2024

P42-M shabu, rifles, pistols at pampasabog, nalansag ng PDEA

MATAGUMPAY na nalansag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-NCR Eastern District Office (EDO) matapos ang isinagawang 3 buy-bust operation sa QC at Navotas.

Kinilala ni Dir. General Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Datu Boy Nasser y Akmad, AKA Taba; Norhana Nasser y Makalimpas, AKA Puti at Said Ampakay y Zailon sa  gasoline station sa Mindanao Avenue, Brgy. Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Narekober ang dalawang  (2)  transparent plastic packs suspected methamphetamine hydrochloride o shabu, higit kumulang isang  kilo, halagang Php 6,800,000.00 pesos, isang (1) Mitsubishi Montero at buy-bust money.

Sa isang follow-up operation din  kasama ang QCPD Novaliches Police Station 4, QCPD-EOD, PDEG SOU4 at AFP, dakong alas 8:00 umaga sa Rockville Subdivision, San Bartolome, Novaliches, Quezon City, naaresto ang drug supplier sa Mindanao Avenue.

Sina Kenneth  Maclan, Dennis  Roque, Harold Villasana at Carlito  Biglang-awa.

Kumpiskado ang  1.3 kilos, halagang  8,840,000.00 milyong piso, assorted drug paraphernalia at ibat ibang firearms, explosive device at mga gamit pangpasabog.

Sa dako ng Malabon kasama ang  Northern Police District,  arestado si  Tuan Xi Yuan, AKA Wendy, Female Chinese National sa buy-bust operation sa Road 25, Dampalit, Malabon City.

Kumpiskado ang apat (4) na plastic packs suspected  shabu, na  4 kilos, halagang 27,200,000.00 milyon, mobile phone at the buy-bust money.

Kasong  violation of Section 5 (Sale of Illegal Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at  Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ng RA 9165 or “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang isinampa sa korte. BERNIE GAMBA