Hindi pa man nakaka-move on sa sunod-sunod na fuel price hikes ang mga motorista nitong mga nagdaang linggo, heto’t muling magpapatupad ang ilang kompanya ng langis ng price increase bukas, Agosto 8.
Sa abiso ng mga kompanya, P4 ang madadagdag sa kada litro ng diesel simula alas-6:00 ng umaga.
Tataas naman ng P0.50 ang kada litro ng gasolina at P2.75 sa kerosene.
Ito ang pang-limang sunod na linggo ng dagdag presyo sa diesel at kerosene, samantalang pang-apat sa gasolina.
Noong nakaraang Martes, tumaas na ng P3.50 ang halaga ng diesel, P3.25 sa kerosene at P2.10 sa gasolina.
Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang linggo, malaki ang madadagdag sa presyo ng diesel at kerosene ngayon linggo dahil sa bawas-produksyon ng langis ng Saudi Arabia.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW