ARESTADO ang isang 65-anyos na lola at kanyang anak na lalaki matapos makumpiskahan ng nasa P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, Sabado ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Taya Sulong, 65, at Abdul Sulong, 33, kapwa ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171.
Sa ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.
Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng P70,000 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium knot-tied plastic bag ng shabu ay agad ianresto ng mga operatiba ang mag-ina.
Nakumpiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P4,080,000.00, digital weighing scale, at isang P1,000 bill na nakabugkos sa 69 pcs P1,000 fake/boodles bills na ginamit bilang buy-bust money.
Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na drug operation at malaki aniya itong kabawasan para hindi kumalat ang illegal na droga sa lungsod.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY