
CAVITE — Nahulog sa bitag ang isang tinaguriang High Value Individual (HVI) na tulak umano ng ilegal na droga matapos ang matagumpay na buy-bust operation ngayong Martes ng hapon, bandang 1:55 PM sa Brgy. H2, Dasmariñas City.
Sa isang pinagsanib na operasyon ng PDEA Regional Office 4A, PDEA Laguna Provincial Office, at PNP Maritime Police Station, natimbog ang suspek na nakilalang si alyas “Acmad”, isang tricycle driver at residente ng Barangay Datu Esmael sa parehong lungsod.
Nasabat sa suspek ang tinatayang 600 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P4,080,000.00, pati na rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ayon sa mga operatiba, matagal nang minamanmanan si Acmad dahil sa kanyang koneksyon umano sa mas malalaking sindikato sa rehiyon.
Kasalukuyang nakakulong si Acmad at mahaharap sa kasong paglabag sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO/ERICHH ABRENICA)
More Stories
5 Patay, Kabilang ang Sanggol at 2 Bata, sa Sunog sa Pasig
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA