Umabot sa P4 bilyon halaga ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Kabilang sa personal na dumalo para saksihan ang pagsira ng illegal na droga tulad ng shabu, marijuana, cocaine at iba pang illegal na droga ay ang mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), barangay officials, NGO’s at media.
Ayon sa PDEA nasa 700 kilograms o may katumbas na (726, 378.5093 grams) at nagkakahalaga ito ng P4,154,802,996.83 ang mga pinagsama-samang mga iligal na droga ang isinailalim sa incinerator para sirain at huwag ng muling makabalik pa sa mga kamay ng mga drug lords at drug pusher.
Kabilang sa winasak ay ang 601,447.0994 grams ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu (P4,089,840,275.92); 110,694.1323 grams ng Marijuana (P13,283.295.88); 6.2800 grams ng Cocaine (P51,534,890.70); 12974.666 grams ng MDMA o Ecstacy (P51,534,890.70); 32.500 grams ng Meth and Ephedrine (P112,218.40); 343.4410 grams ng Codeine; 0.200 grams ng Ephedrine (P6.91); 0.3500 grams of Phentermine (P25.03); at 177.5000 mililiters of Liquid Marijuana.
Sinabi pa ng PDEA na ang mga nakalap na droga at mga nasabing kemikal ay mga ebidensyang narekober bunga ng sunod sunod na anti-illegal drugs operation na isinagawa ng nabanggit na ahensya katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). KOI HIPOLITO
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO