
Arestado ang apat na suspek sa droga na tinaguriang high-value target sa isang entrapment operation na ikinasa sa isang open parking lot ng isang gusali sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite.
Nitong Abril 12, 2025 sa ganap na 4:30 ng hapon, ang mga pinagsamang operatiba
ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Cavite Maritime Police Station ay naaresto ang mga suspek na nakilalang sina alias Kumar, 34, lalaki, may-asawa, walang trabaho; alias Samiha, 33, babae, may-asawa, parehong residente Park Avenue, Pasay City; alias Aisah, 21, dalaga, factory worker; at alias Alaisah, 19, dalaga, parehong nakatira sa Liano Road, Caloocan City.
Mahigit kumulang na 700 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek na may halagang Php4,700,000.00 at buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek na ngayon ay nasa kostodiya ng PDEA RO-4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna. (KOI HIPOLITO/BG)
More Stories
MARCOS PINAYAGAN WORK-FROM-HOME, HALF DAY NG GOV’T WORKERS SA MIYEKULES SANTO
EX-PCSO CHIEF GARMA HUMINGI NG ASYLUM SA US
Rizal House bet JB Pallasigue kinilala kahalagahan ng mga nanay