SA selda ang bagsak ng dalawang tulak ng droga na itinuturing High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P4 milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at kush sa ikinasang buy bust buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang mga naarestong suspek na sina alyas “Lester”, 21, ng Sto Tomas Village 7 Ext. Deparo at alyas “Luigi” 27, ng Mentors Village Subdivision.
Ikinasa ng mga tauhan ni P/Lt. Restie Mables, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ang buy bust operation, katuwang ang Police Sub-Station 10 ng magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Agad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek matapos tanggapin ang P13,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang bloke ng high grade marijuana o kush dakong ala-1:35 ng madaling araw sa Block 2, Lot 20 Mentors Village Subdivision, Brgy. 175 sa naturang lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 36,530 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may katumbas na halagang P4,383,600.00 at 50 gramo ng high grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P75,000.00.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagkilos. “The NPD’s campaign against illegal drugs remains unwavering. We will continue to be relentless in safeguarding our communities from this threat.” aniya.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Sec 26 Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
DSWD SASALAIN MABUTI ANG MGA BENEPISYARYO NG AKAP PARA HINDI MAPOLITIKA
CONTRIBUTION HIKE NG SSS, SIMULA NA NGAYONG 2025
TAAS-ALLOWANCE SA MGA ATLETA IHIHIRIT NG PSC