December 25, 2024

P3M smuggled yosi nasamsam

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang P3 milyon halaga ng ipinuslit na sigarilyo na lulan ng isang truck sa Tungawan, Zamboanga Sibugay noong Agosto 23.

Nagsagawa ang Port of Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB9) at Tungawan Municipal Station (MPS) ng anti-smuggling operation sa Brgy. Baluran, Tungawan, matapos makatanggap ng tip na may kargang illegal  goods ang isang truck.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 85 cases ng kontrabando na may iba’t ibang brand ng sigarilyo sa isang Isuzu Truck na may sakay na tatlong pasahero.

Ayon kay Port District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., bahagi ang naturang operasyon ay bahagi ng pangako ng Port na doblehin ang pagsisikap na pigilan ang pagpasok ng illegal shipments, alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na suportado ng ibang partner enforcement agencies.

Nasa kustodiya na ngayon ng BOC ang truck at ang karga nito para sa proper disposition, kasunod ng paglabag sa Section 1113 (a) ng Republic Act 10863, o ‘Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016, na may kinalaman to Section 117 at Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations.